With the speed of light!Surrender now or prepare to fight!
hehe..
Kahapon, may joint celebration kami ni Olivia at ni Ate (H)Angie na rin. Wala ung other two celebrants kong pinsan dahil nagkabulutong sila. Get well soon mga kids! Kaya kahapon, pretty in pink kami. Si Ibyang at (H)Ate (H)Angie lang pala.
Nagpunta si Lucky, Jerber, Lalaine, Boi, Shie, Ye, Po, at Anaburger dito sa quarters kahapon. Thanks thanks!Ang saya-saya. Sabi ni Daddy parang mga high school pa rin daw kami. (Sabi ko baby face kami!ahahaha!) Masaya naman. Nalunod kami lahat sa masarap na spaghetti ni Mommy at sa iba pang mga pagkain na ikinasiba ni Boi at Lalaine. Lalo ko tuloy namiss ang mga Pool Haus peeps. Wala nga lang don ang Claudios, si Eugene at Itay (3stan). Pero happiness pa rin! ^_^
Siyempre, happy din ako dahil ok ang kinahinatnan ng aking sem. Yon nga lang may 3 akong 2. Dibale next time goal ko na maka-uno! Baket?! Libre lang mangarap! At ito ang first step para matupad yon. Ang pagwish hindi ba? Tapos put it into action. Yun naman ung mahirap don e. Yung application mismo. Pero with God's grace and guidance, alam kong kakayanin ko. Diba? Pinakita na niyang kaya ko kaya dapat lang na maniwala talaga akong kaya ko. At kakayanin ko pa.
Pictures coming up! Pero di pa ngayon kasi yoko magupload dito sa bahay. Bagal ng net pramis.
So ngayon, back to school ako. Sinubukan ko uli magtanong sa Office of Student Housing (OSH)kung may vacant slots pa ung mga dorm but NO! Wala rin akong napala. I guess matinding pilitan na naman to for the next sem.
Nagpunta rin kami ni Oli sa MOA kanina para bumili ng bag and batt. Ok naman. Kahit na muntik nang mawala ang ID ko sa Quantum. Aba siyempre! Di ko na naman napigilan magdance dance ang loko. Oso ka talaga. Buti na lang oso din ako. ^_^
Mabuti naman at tulog na un ngayon. Parang ang tagal tagal na niyang di natutulog. Hala sige managinip ka diyan!
At eto ako walang magawa. Ngumangawa lang sa tagal ng pagkilos namin ng groupmates ko sa 42. At naghahanap ng magagawa dito.
Sabi sa homily kahapon, be thankful. I am thankful that I have this time to tell you how my life has been. And how my my family and friends brought me happiness everyday. Nakakatuwa. Masaya ako at kayo ang pamilya't mga kaibigan ko.
PS: Kuya Pando: enge ako ube ice cream..
Zsa: Ubos na e.
Ate Charms: Pwede bang humabol na lang sa 15?
Zsa: Ay gudlak na lang sayo. Sa aming 5 pa lang ubos na ang chibog. Pano pa kaya pagdating
ng mga kaibigan ko?hehe.
No comments:
Post a Comment