Nagtatanong bakit mahirap
Sumabay sa agos ng iyong mundo
Nagtataka simple lang naman sana ang buhay
Kung ikaý matino
Sabihin sa kin lahat ng lihim mo
Iingatan ko
Ibaling sakin ang problema mo
Kakayin ko
haha...nakakatuwa..LSS kasi ko sa kantang ito..
Pero kahit anong kanta man ako ma-LSS, magulo pa rin ang Pinas(pls connect). Kanina nung pauwi ako galing ever, may nagrarally dun sa may Puregold mall. May nagagawa ba talaga ang mga rally?Pinapakinggan ba talaga sila?O baka nagsasayang lang sila ng oras.Nakakalungkot isipin ang sinasapit ng ating bansa ngayon.Puro dayaan na lang.Ang say ko?Kahit walang makinig sa munting tinig ko, may tinig pa rin ako kaya magsasalita ako.Sa tingin ko, nagkamali ng pinagkatiwalaan si PGMA.Kasi naman,aminin na natin na lahat naman talaga nandaya.Kahit nga daw si FPJ.Yun nga lang natalo pa rin siya.Tapos ang piso bumababa. Ang mahal na tuloy lalo ng pamasahe. Manghingi uli kaya ako ng alllowance raise?hehe..pag-aaralan ko muna ang budget ko kung kulang ba talaga.
Alam niyo ba,kagabi, nakafeel ako ng rejection.Petty?Hindi lang kasi ako sanay makipag-usap sa taong masungit lang pag ikaw ang kausap.Nasaktan ako ng todo kaya nga nabad trip ako kagabi.Pero naisip ko, d ko na dapat pang ipilit sa kanya ang sarili ko.Tulad ng sabi ni Tita Harriet noon sakin, wag ko na daw pilitin.haii...
Ongapala,may buddy na ako...Siya ay isang applicant na aking gagabayan sa kanyang pag-aapply sa ERG tulad ng paggabay sa kin noon ni Mommy Nina..Kinakabahan ako sa mga darating na araw.Sana matulungan ko talaga siya. At alam niyo, orientation na sa eng'g soc...lapit na!
Sige!Ang ginaw na dito.Effect ng bagyo at mga low depression ba yun?wahaha!
No comments:
Post a Comment