It has been almost a month..
At eto may pasok na naman. Sinwerte lang ako sa CRS. Pero holy horrors! Nakita ko ang hirap nito para sa iba. Pila dito pila don. Nakakatakot tuloy next enrolment.
Di ko alam kung pano ko irerate ang 1st week of classes. Kasi naman halos walang pasok. ECE 151 lang ung nagclass the whole week. Pakiramdam ko kelangan ko ng madaming popcorn para dun. 7am kasi at grabe ang bigat bigat ng mga talukap ko pag andun ako sa VLC. Oo interested ako sa mga sinasabi niya pero wala naman akong mapick-up masyado kasi nga antok antok ako.
Sabi ko nga, kung student siya ni Sir Franz at ganun siya magreport, mababa grade niya. According to Sir Franz kasi, dapat 6-7 lines per slide lang. E ung kay Sir ata 6-7 paragraphs per slide. Nyaaaa..bombarded with words ka kaagad. Haha. Hanggang reklamo lang ako. Dibale, masasanay din ako.
Medyo kinakabahan ako. Halong takot at excitement siguro. Kapal e no may excitement factor. Wala lang.
Napagtanto ko na halos laging mali ang mga first impressions ko. Pano kasi akala ko di ko makakasundo sina Ate Weng at Ate Rose, ang aming mga bagong roommates. Siyempre mega quiet lang ako pero etong si Lalaine e makapal talaga ang mukha. Buti na lang kasi naging daan din siya para maging ka-chums ko sila Ate. Laughing trip palagi sa gabi bago matulog. Ang kulit kasi ni Ate Rose. Ahaha. Pareho sila ni Lalaine ang baliw. Buti nga yon e enjoy.
Happy happy din dahil lagi ko kasabay kumain si Oli. Makakatipid kami pareho. Ang mahal kasi ng mga bilihin ngayon e. At nagiisip pa kami ng ways para lalong makapagtipid. Haha. Parehong kuripot. Aba! Nababawi din naman ng UP. Fotocopy dito fotocopy don. Requirement don requirement dito.Diba?
Anyway, happy birthday sa mga November celebrants especially kina Ate Rica, Ate Charms, Michelle, Mama ni Shie at Araschid na ang bday ay ngayon.
Belated happy birthday pala kina Jedi, Julien at Vincent dahil di ko man lang sila natext.hehe.
God bless you all.
:)
No comments:
Post a Comment