Saturday, August 04, 2007

UPCAT

Nagsimula ang araw ko nang makita ko si ibyang sa kama na tumatalon-talon. Nakakatuwa lalo pa at sabi niya "ninang".Hehe.

Tapos nalaman ko, sasama pala ako sa mga escort ni Gel for upcat.e di mega prepare kami lahat.Haha.Nilakad ko nanaman ang UP.Parang ngayon lang nagkatrapik ng ganon.Ganon pala pag upcat.

First time kong kumain sa Rodic's. Nakakatawa no kasi 5th yr nako tapos ngayon lang ako kumain ng isa sa pinakasikat na pagkain sa isang sikat na tindahan sa UP. E di enjoy. Tapos nagpabookbind si Ate Lang. May lumapit na mama samin.Naawa ako. Mukha siyang mabait no.Tapos nagbebenta siya ng towel. Parang ang lungkot kasi wala akong magawa kundi ipagdasal siya at ang mga taong ganon ang ikinabubuhay.Parang gusto kong may gawin. Pero ano naman diba? Ang pagbili sa kanya ng isang towel na siguro kasama ng kita niya sa buong araw na pangkain nila ay hindi gaanong malaking tulong. Pero di ako mayaman. Di rin naman ako politiko. Ayoko ring maging isa. Ang sama sa loob no. Habang ikaw pakain kain na lang sa KFC, pamalling malling sa Trinoma, panood-nood ng Harry Potter, andaming taong gutom. Nakakaawa. Pero wala akong magawa. Sila ang sawimpalad na naapektuhan ng pagkagahaman ng ibang taong di necessarily engaged sa politics. Bakit? May mga mayayaman din namang sobra pero ayaw magshare diba? Tignan mo ung isang bansang super power diba?Ewan ko. Magdadasal na lang ako.

Ikaw, magdasal ka rin a. Di ka ba nalulungkot malaman na sa loob ng village mo may mga walang kuryente? Tapos natupok pa ng sunog.

Kaya sana kapag may pagkakataon na makatulong tayo sa nangangailangan, tumulong tayo. Kapag may nangutang, ihanda ang sarili na di na ito mababayaran. Hindi ba?

Masaya ako dahil wala na akong kagalit.

:)

No comments: