Kainis naman!Nagsulat na ko ng super daming mga bagay-bagay dito kanina tapos lahat nasayang.Ang oras ang pagod. Anyway, sana kayanin ko ang mga hamon ng buhay ko ngayong linggong ito.
Alam niyo, miss ko na ang mga pool haus peeps.(Oo na!miss ko na rin kayo->Mommy,Daddy,Gel,Jett,Tita Panz, Te Lang,te In, at te lhea.) Medyo iba lang ang case ng pool haus peeps.
Alam naman nating, almost 7 years na kaming nagkikita almost everyday.Pero kasi..sa tuwing maiisip ko na unti-unting nagddrift away na kami sa isa't isa parang di ko matanggap. Ang hirap pala.(Pano na pag naging nanay ako.Nakakaiyak talaga tignan ang mga papalaking anak!) Una, ngayon, dahil sa org, busy na si Doodz.Di na kami naghaheart to heart talks.Konti na lang ang mga tawanan, joke time, laughing trip at kung anu-ano pang pampalipas oras namin noon since high school pa. Tapos agaw oras din ung acads.Feel ko tuloy lahat kami mababaliw na.Pressured and stressed sa school work. Isa pa, may mga bagong friends na hindi naman maiiwasan. Lahat kami ay tumatahak na ng panibagong mga daan. Nagsisimula nang maghiwa-hiwalay. Pano na pag may isa nang nakatapos samin?Work naman ang aatupagin ng bawat isa. Lalong mawawalan ng panahon for bonding dahil lahat ay makikipaglaban sa bilyon-bilyong tao para mabuhay nang matiwasay. Pero sana kahit ganun, di namin makalimutan ang ibig sabihin ng pagiging isang pool haus people.
ang drama ko no.meron kasing mga pangyayari sa buhay na hindi ko talaga maintindihan tulad ng mga nasabi ko sa taas.
ayokong maging super attached.masama ang sobra diba?
*kainis na GE1 yan!di ko makuha ung height ng quezon memorial circle at ung angle ng sun noong January 7, 1978.
BELATED HAPPY BIRTHDAY KINA: DOODZ,GIAN,NIKO???,JETTBOY,JASON,LUCKY.. at sa mga upcoming celebrants, HAPPY BIRTHDAY!
No comments:
Post a Comment