Kumulog kanina. Nagbigay siya nang ilaw sa dinadaanan namin ni Boi kanina habang papunta kami sa tindahan. Pero nakakatakot din dapat to e. Lalo na pag tinamaan ka. hehe.
Malapit na umuwi si Ate In.Excited na ko. Di lang dahil sa pasalubong kundi dahil apat na uli kami sa bahay at may magpapatawa na uli kay ate lhea kahit na wala ako.
may trivia ako.im sure di nio alam to.trivia nga e.
Noong mga rehimeng Ate Guelites, mga grade 3 ata ako non, hindi ko magawang maubos ang lunch ko.Siyempre bilang isang bata, mapili ako non sa ulam. Sa galit ni Ate Guelites which is never ending ata, nasabi niya kung kanino man di ko na matandaan(nasa kama ako ni Ate Lang non,top floor ng double deck nila ni Te In) na sa susunod daw e ang ipapabaon na lang niya sakin ay papel at semento. Hay ongkoy!Ano kaya ang pumasok sa isip mo at naisipan mong magpractice kumain ng mga un?Pumilas ka pa ng maliit na piraso mula sa planner ni Ate Lang, kumutkot ng semento sa pinakamalapit na dingding at sinubo ang mga ito habang umiiyak. Opo mga kapatid!Nakakain na ko nun.
Pero hanggang ngayon, mistulang utu-uto pa rin ako. Kelan kaya ako magbabago?
No comments:
Post a Comment